Insecurities Layuan Mo Ako!

Friday, February 27, 2015 Unknown 0 Comments

Ano nga ba ang 'insecurity'?

Sabi sa dictionary ang insecurity ay yung pagiging incapable natin na magawa o magkaroon ng bagay o kahit na ano na gusto natin na meron sa iba. Katulad ko, Sobra akong naiinsecure sa mga taong nabiyayaan ng panga. Bakit? kase yun ang wala ako at hindi ko na mababago yun except nalang kung magparetoke ako right? Also being insecure means being not confident about our own selves just like what I've said.



Insecure na ba ako? How to deal with it?

Ikaw mismo ang nakakaalam kung insecure ka ba or what. Itanong mo sa sarili mo kung naiinggit ka ba? Kung Oo, Welcome to the family! (chareng) Wag ka mag-alala hindi lang naman ikaw ang nag-iisang tao na may insecurities sa buhay iha! Kahit ako nga diba mismo meron? For sure lahat ng tao na nasa paligid mo mayroong insecurities, They just know how to deal with it, just like me.

Pwera sa pagiging insecure ko sa may mga panga, naiinsecure din ako sa mga payat noon. Yan na ata yung pinakamalalang insecurity ko sa buong buhay ko. I grow up being teased na mataba ako, dumating pa nga sa punto na lagi nalang ako mag-isa at ayoko na makisalamuha baka asarin lang ako. Naalala ko pa nga noon na tumatakbo ako sa papa ko na umiiyak kase inaasar ako at tinatawag ng kung ano anong pangalan. I just get used to it. Totoo naman kase talaga na mataba ako.




Simula nung natanggap ko na sarili ko naging sobrang saya ko na. Now I used that insecurity to make me a better person both physically and emotionally. Tinanggap ko na ung mga pagdodown nila sakin kase nga sobrang taba ko talaga at ang pagpayat ay napaimposibleng mangyare. But now sino magaakala na papayat ako?


Oh kalma lang mga pre, Ako talaga yan. Simula ng maghighschool ako unti unti na akong pumayat. Kaya talagang nakakastress ang pagiging highschool. Joke. Well naisip ko kase nun na magbago ng lifestyle. Kumain na ako ng gulay, nagless ako ng rice at carbohydrates. And see pumayat ako. Lahat naman kase talaga ng bagay nasusulusyonan lalo na kung gusto mo talaga.


LESSON 



  • Maging masaya ka sa kung ano at meron ka ngayon. Contenment is the key to happiness always remember that!
  • Be confident, pero wag naman sobra yung puntong wala ka ng hiya.
  • Be true, maging open ka sa nararamdaman mo especially sa magulang mo. Sila ang nagbibigay ng pinakamagandang advice sa buong planet earth.
  • Lastly, always be you.

Sana marami kang natutunan sa akin kapatid! Wag kalimutan i-click ang follow button. 


0 comments: